Pangulong Duterte, nagpakita na sa publiko, makalipas ang limang araw

Makalipas ang limang araw na walang public schedule, nagpakita nang muli si Pangulong Rodrigo Duterte nang magtungo ito sa Agusan del Norte at sa Butuan City.

Unang nagpunta ang Pangulo sa 50th founding anniversary ng Agusan del Norte na ginanap sa University of Cabadbaran.

Sa kanyang talumpati, nagpaliwanag ang Pangulo na hindi niya inisnab ang araw ng kalayaan bagkus ay kinailangan lamang umano niyang magpahinga.

Noong Biyernes pag-uwi ng Pangulo sa Davao City ay nagawa na niyang makapagpahinga at pagkatapos ay bumisita ito sa 4th infantry division advance command post sa Barangay Bancasi, Butuan City.

Nagtalumpati rin ang Presidente sa harap ng mga sundalo at pinalakas ang loob ng mga ito sa pagsasabing huwag panghinaan ng loob sa paglaban sa mga terorista sa Marawi City sa gitna ng tumataas na bilang ng mga nasawing tropa ng pamahalaan.

Please follow and like us:

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *