Pangulong Duterte nagpaliwanag sa isyu ng posibleng pagdedeklara ng martial law sa Mindanao

Nais lamang ni Pangulong Duterte na himukin ang mga local official sa Mindanao na suportahan ang kanyang kampanya sa kriminalidad, terorismo  at illegal na droga kaya niya binanggit na posibleng magdeklara siya ng martial law kung lalala pa ang problema ng seguridad sa nasabing rehiyon.

Sinabi ng Pangulo na ayaw naman talaga niyang humantong sa pagdedeklara ng martial law para lamang malutas ang problema sa Mindanao.

Ayon sa Pangulo mas gusto niyang mamayani pa rin ang civilian authority kaysa military rule.

Nagkaroon ng kalituhan ng banggitin ng Pangulo sa harap ng mga local official ng Mindanao na mapipilitan siyang gumamit ng karagdagang kapangyarihan kung hindi tutulong ang mga local official sa pagbaka sa terorismo at ilegal na droga.

Ulat ni Vic Somintac

 

 

 

 

 

 

 

 

 

Please follow and like us:

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *