Pangulong Duterte, nagpaliwanag sa pagbuhay sa peacetalks sa mga rebeldeng komunista
Nagpaliwanag si Pangulong Rodrigo Duterte sa pagbuhay sa usapang pangkapayapaan ng gobyerno sa mga rebeldeng kumunista.
Sinabi ng Pangulo na talagang ayaw na sana niyang buhayin ang peacetalks sa mga rebeldeng komunista dahil sa loob ng tatlong taon mula ng maupo sa Malakanyang ay walang kinahinatnan ang peace talk sa Communist Party of the Philippines New Peoples Army- National Democratic Front (CPP-NPA-NDF).
Ayon sa Pangulo ang isinaalang-alang niya sa pagbuhay ng peace negotiation sa mga rebeldeng komunista ay ang interes ng publiko at hindi ang kanyang sariling interes.
Inihayag ng Pangulo ang planong pagbuo ng bagong government peace negotiating panel ay kinabibilangan ng limang katao kung saan tatlo dito ay mula sa hanay ng militar at dalawa naman mula sa sektor ng sibilyan.
Ulat ni Vic Somintac