Pangulong Duterte , nagpaliwanag sa publiko sa hindi pag-iindorso ng presidential candidate sa halalan sa Mayo
Ayaw ni Pangulong Rodrigo Duterte na paghinalaan siya ng publiko na ginamit niya ang resources ng gobyerno para suportahan ang isang presidential candidate sa eleksiyon sa Mayo.
Sa kanyang regular weekly Talk to the People sinabi ng Pangulo ito ang dahilan kaya nananatili siyang neutral at walang iniindorsong presidentiable.
Ayon sa Pangulo maging ang mga miyembro ng gabinete ay pinagsabihan niyang huwag ng makisawsaw sa pulitika at sa halip ay atupagin na lamang ang kanilang trabaho sa nalalabing araw ng administrasyon.
Inamin naman ng Pangulo na ang tanging hayagang sinusuportahan niya ay ang kandidatura ng kanyang anak na si Davao City Mayor Sara Duterte na tumatakbong Bise Presidente ni dating Senador Bong Bong Marcos.
Vic Somintac