Pangulong Duterte nagpatawag ng Cabinet meeting sa Jordan
Pinulong ni Pangulong Rodrigo Duterte ang mga miyembro ng gabinete na kasama niya sa biyahe sa bansang Jordan.
Sinabi ni Special Assistant to the President secretary Bong Go na kabilang sa dumalo sa cabinet meeting sa Jordan ay sina Executive secretary Salvador Medialdea, Labor secretary Silvestre Bello III, Presidential Spokesman Harry Roque, Transportation secretary Arthur Tugade, Trade secretary Ramon Lopez, Defense secretary Delfin Lorenzana, National security adviser Hermogenes Esperon, Interior and Local Government secretary Eduardo Año at Foreign Affairs secretary Alan Peter Cayetano.
Ayon kay Secretary Go, agenda ng Cabinet meeting ang ukol sa kalagayan ng ekonomiya at seguridad ng bansa.
Magugunitang habang nasa pagbisita sa bansang Israel at Jordan ang Pangulo ay pumalo sa 6.4 percent ang inflation rate na naging dahilan ng pagtaas ng presyo ng mga bilihin at ang isyu kay Senador Antonio Trillanes matapos pawalang bisa ng Malakanyang ang kanyang amnesty.
Kinumpirma naman ni Secretary Go na mapapaaga ang pag-uwi ng Pangulo sa bansa sa halip na Linggo ay sa Sabado na ng umaga sa Davao city dahil tapos na ang lahat ng official engagement ng Pangulo sa Jordan.
Ulat ni Vic Somintac