Pangulong Duterte, nagtalaga na ng bagong Philhealth President
Itinalaga ni Pangulong Rodrigo Duterte si dating MWSS Administrator Ricardo Morales bilang bagong Presidente ng Philhealth.
Papalitan ni Morales si dating Philhealth President Dr. Roy Ferrer na pinagbitiw ni Pangulong Duterte kasama ang buong board ng government health insurance.
Magugunitang pinagbitiw lahat ng Pangulo ang buong pamunuan ng Philhealth dahil sa anomalya sa ghost dialysis patients.
Ang dating inaalok ng Pangulo na maging Philhealth na si Dr. Jaime Cruz ay inilagay bilang board member.
Ulat ni Vic Somintac
Please follow and like us: