Pangulong Duterte, nainsulto sa paniniwala ng mga Human Rights advocate na political prisoner si Senadora Leila de Lima
Totoo ang mga kasong kinakaharap ni Senadora Leila de Lima na may kaugnayan sa iligal na droga.
Ito ang pinanindigan ni Pangulong Duterte kasabay ng pagsasabing napaka laking insulto sa kaniya na mas pinaniniwalaan ng ibat ibang grupo ng human rights na isang political prisoner si de Lima.
Ayon sa Pangulo nabulag si de Lima ng kaniyang ambisyong politika kaya pinatulan aniya nito ang limpak limpak na salapi na galing sa iligal na droga para masustentuhan umano ang kaniyang kampanya noong 2016.
Iginiit ng Pangulo na ang mga ebidensiya laban kay de Lima ay mula mismo sa mga testimonya ng mga convicted drug lords at mabigat na patunay sa kaniyang pagkakasangkot sa operasyon ng iligal na droga sa New Bilibid Prison.
Kilala ang Pangulo na galit sa mga human rights advocate na kumakampi sa mga personalidad na sangkot sa kalakaran ng iligal na droga sa bansa.
Ulat ni Vic Somintac