Pangulong Duterte, nais kausapin ang COA at Ombudsman tungkol sa sistema ng auditing at pagsasampa ng kaso sa mga nasa gobyerno

Nais makipag-dayalogo ni Pangulong Rodrigo Duterte sa Office of the Ombudsman at Commisssion on Audit para sa pagpapatupad ng mas simpleng auditing rules.

Ayon sa Pangulo makikipag-usap siya sa Ombudsman at COA para magkaroon ng kasunduan sa ilang mga proseso na dapat ipatupad tungkol sa pag o- audit.

Sinabi ng Pangulo na bago matapos ang taon ay maipatutupad na ang mas simpleng auditing procedures ng Commission on Audit.

Inihayag ng Pangulo dahil sa kumplikadong auditing rules ay maraming opisyales ng pamahalaan ang nakakasuhan bukod pa ang pagkakabinbin ng maraming government projects bunsod ng napakahigpit na  auditing protocols at katakot -takot na requirements.

Magugunitang dati ng nakakatikim ng banat ang COA mula kay Pangulong Duterte dahil sa naiipit na serbisyo na dapat nang ihatid sa publiko kagaya na lamang sa panahon ng mga kalimidad na isinisisi nito sa COA rules.

 

Ulat ni Vic Somintac

Please follow and like us:

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *