Pangulong Duterte naka quarantine dahil sa exposure sa kasambahay na COVID-19 positive
Kinumpirma ng Malakanyang na nagkaroon ng exposure si Pangulong Rodrigo Duterte sa kanilang kasambahay na positibo sa COVID-19.
Sinabi ni Presidential Spokesman Secretary Karlo Alexi Nograles na agad na isinailalim ang Pangulo sa COVID 19 test at negatibo ang resulta.
Ayon kay Nograles bagamat negative ang COVID-19 test result ng Pangulo sumasailalim ito sa mandatory quarantine protocol.
Inihayag ni Nograles kahit naka-quarantine ang Pangulo ay ginagampanan niya ang kanyang tungkulin lalo na ang pamamalakad sa gobyerno sa pamamagitan ng palagiang pakikipag-ugnayan sa mga miyembro ng gabinete.
Huling nakita ng publiko ang Pangulo sa kanyang regular weekly Talk to the People noong January 24,2022.
Vic Somintac