Pangulong Duterte, nakipagpulong sa Kuwaiti ambassador para sa kapakanan ng mga OFWs
Nakipagpulong si Pangulong Rodrigo Duterte kay Kuwaiti Ambassador Saleh Ahmad Althwaikh sa Malakanyang.
Pangunahing agenda ng pakikipagpulong ng Pangulo kay Ambassador Althwaikh ang ukol sa kapakanan ng mga Overseas Filipino Workers o OFWs na nagtatrabaho sa Kuwait.
Nauna ng nagbanta ang Pangulo na pauuwiin niya sa Pilipinas ang lahat ng mga OFWS sa Kuwait kapag nagpatuloy ang nangyayaring pang-aabuso na ang ilan ay sinasabing nagpakamatay.
Mayroong 250,000 ang mga OFWS sa Kuwait na karamihan ay mga domestic helper.
Ayon kay Labor Secretary Silvestre Bello, naging mabunaga ang pakikipagpulong ng Pangulo kay Ambassador Althwaikh.
Inihayag ni Bello inimbitahan ni Ambassador Althwaikh ang Pangulo na bumisita sa Kuwait na tinaggap naman ng Pangulo.
Ulat ni Vic Somintac
==== end ===