Pangulong Duterte, nakipagpulong sa mga Moro leaders sa Davao City
Personal na kinausap ni Pangulong Rodrigo Duterte ang mga Moro leaders sa Davao City.
Inimbitahan ng Pangulo ang mga Moro leaders kasama ang mga miyembro ng Bangsamoro Transition Commission o BTC at Government panel sa Peace Process sa mga rebeldeng Muslim.
Sinabi ng Pangulo na layunin ng pag-imbita sa mga Moro leaders ang pagtalakay sa isinusulong na Bangsamoro Basic law o BBL na kasalukuyang nakabinbin sa Kongreso.
Ayon sa Pangulo, hiniling din niya ang suporta ng Moro leaders sa pagsusulong ng Federalismo sa bansa.
Kabilang sa mga Moro leaders na kinausap ng Pangulo ay sina Moro Islamic Liberation front o MILF Chairman Al Haj Murrad Ibrahim, MILF Vice Chairman Gadzali Jaafar, Mohaghir Iqbal ng BTC.
Kasama namang humarap sa mga Moro leaders si Government panel head atPresidential adviser on the Peace Process Secretary Jesus Dureza, Presidential Legislative Liason Chief Secretary Adelino Sitoy at Special Assistant to the President Secretary Bong Go.
Ulat ni Vic Somintac