Pangulong Duterte nangakong palalayain ang bansa sa gapos ng ilegal na droga kriminalidad at korapsyon
Ipinangako ni Pangulong Rodrigo Duterte sa sambayanang pilipino na palalayain niya ang bansa sa gapos ng ilegal droga kriminalidad at korapsyon.
Ito ang laman ng mensahe ni Pangulong Duterte sa pagdiriwang ng ika-120 anibersaryo ng kalayaan ng bansa.
Sinabi ng pangulo na ang problema sa ilegal na droga kriminalidad at korapsyon ang pangunahing sagabal sa pag-unlad ng bansa.
Ayon sa pangulo masasayang ang pawis at dugo na pinuhunan ng mga bayani kung patuloy na nakagapos ang bansa sa tali ng ilegal na droga kriminalidad at korapsyon.
Dahil dito nanawagan ang pangulo sa sambayanang pilipino na iwaksi ang ilegal na droga kriminalidad at korapsyon para makausad ng pasulong ang bansa.
Ulat ni Vic Somintac