Pangulong Duterte, napikon na kay Chief Justice Sereno…Impeachment, pinamamadali na sa Kongreso
Tuluyan ng naubos ang pasensiya ni Pangulong Duterte kay Chief Justice Maria Loudes Sereno.
Itoy matapos akusahan ni Sereno si Pangulong Duterte sa kanyang pagsasalita sa Araw ng Kagitingan sa Quezon City na ang Pangulo ang nasa likod ng Quo Warranto petition na inihain ng Solicitor General sa Korte Suprema at ang Impeachment case na nakabinbin sa Kongreso.
Sinabi ng Pangulo sa media interview bago magtungo sa Boao Forum for Asia sa Hainan China na pikon na pikon na siya sa pag-aakusa ni Serreno sa kanya.
Inihayag ng Pangulo na paulit- ulit na niyang sinasabi na wala siyang kinalaman sa Qou Warranto at impeachment laban kay Sereno.
Ayon sa Pangulo ngayong paulit-ulit naman si Sereno sa paratang gagamitin na niyang ang kanyang kapangyarihan para tiyak na maalis si Sereno sa pamamagitan ng Quo Warranto o Impeachment.
Nanawagan na mismo ang Pangulo kay House Speaker Pantaleon Alvarez at sa mga kongresista na apurahin na ang impeachment laban kay Chief Justice Serreno.
Iginiit ng Pangulo na gagawin niya ang lahat ngayon para matanggal si Serreno sa pagiging Punong Mahistrado.
President Duterte:
Hindi ako nakikielam ….pero daldal ka ng daldal. So I’m putting all of these…I am now your enemy…you have to be out of the Supreme Court…She is bad for the Philippines.
Ulat ni Vic Somintac