Pangulong Duterte, nasa perpetual isolation – Malakanyang
Nasa perpetual isolation ngayon si Pangulong Rodrigo Duterte dahil na rin sa pag iingat ng Presidential Security Group o PSG.
Ayon kay Presidential Spokesperson Secretary Harry Roque iniingatan ng PSG si Pangulong Duterte para hindi tamaan ng Covid 19.
Batay sa report nakasalamuha ni Pangulong Duterte si Interior and Local Government Secretary Eduardo Año na nagpositibong muli sa Covid 19 noong August 10 sa Davao City para sa pagpupulong ng Inter Agency Task Force on Emerging Infectious Diseases (IATF-EID).
Sinabi ni Roque sa ngayon walang nakakalapit kay Pangulong Duterte na kasalukuyang nasa Davao City mula pa noong August 3 bago isinailalim sa Modified Enhanced Community Quarantine (MECQ) ang Metro Manila kasama ang mga lalawigan ng Bulacan, Laguna, Rizal at Cavite.
Inihayag ni Roque regular din na sumasailam sa PCR swab test si Pangulong Duterte sa tuwing umuuwi sa Davao dahil ito sa patakaran na ipinaiiral ni Mayor Sarah Duterte Carpio sa lahat ng umuuwi sa lungsod mula sa ibang lugar partikular ang mga nanggagaling sa Metro Manila.
Ulat ni Vic Somintac