Pangulong Duterte payag na sumali sa September 21 protest ang NPA
Papayagan ni Pangulong Rodrigo Duterte ang mga rebeldeng New Peoples Army o NPA na sumali sa malawakang kilos protesta sa September 21 bilang paggunita sa ika 45 anibersaryo ng Martial Law ni dating Pangulong Ferdinand Marcos.
Sinabi ng Pangulo na hinihikayat niya ang lahat ng sektor na maglabas ng kanilang saloobin sa isasagawang kilos protesta sa September 21.
Ayon sa Pangulo basta walang kaguluhan na magaganap hindi manghihimasok ang Philippine National Police o PNP.
Inihayag ng Pangulo na ibang usapan kapag nanggulo ang mga magsasagawa ng kilos protesta dahil kailangang ipreserba ng gobyerno ang kapayapaan sa bansa.
Ulat ni: Vic Somintac