Pangulong Duterte , pinabibilisan sa National vaccination operations center ang pagbabakuna kontra COVID-19 sa labas ng Metro manila – Malakanyang
Inatasan ni Pangulong Rodrigo Duterte ang National Vaccination Operations Center na apurahin ang pagbabakuna laban sa COVID-19 sa labas ng Metro Manila.
Sinabi ni Presidential Spokesman Secretary Karlo Alexi Nograles na nais ng Pangulo na mabakunahan ang mga lugar na kakaunti pa ang nakatanggap ng anti COVID-19 vaccine dahil sa mabilis na pagkalat ng coronavirus dulot ng omicron variant.
Ayon kay Nograles sa Metro Manila ay halos 100 percent ng bakunado ang mga residente kaya bagamat mataas ang kaso ng COVID-19 ay nagiging mild lamang ang tama nito.
Inihayag ni Nograles batay sa pahayag ng mga health experts mabisa parin ang bakuna na panlaban sa omicron variant ng COVID-19.
Batay sa record ng Department of Health o DOH nasa mahigit 3 milyong mga senior citizens ang hindi pa bakunado samantalang nasa 62 milyon na ang nakatanggap ng first dose, 53 milyon ang naturukan na ng second dose at 3.5 milyon ang nabigyan ng boaster shot ng anti COVID-19 vaccine.
Vic Somintac