Pangulong Duterte, pinaboran ang pagpapanatili ng 1 meter distance sa mga pampublikong transportasyon
Naglabas na ng desisyon si Pangulong Rodrigo Duterte hinggil sa isyu ng pagbabawas ng distansya ng mga pasahero sa mga pampublikong transportasyon.
Sinabi ni Presidential Spokesman Secretary Harry Roque na tinimbang ng Pangulo ang punto ng magkabilang panig.
Ayon kay Roque pinaboran ng Pangulo ang paninindigan ng mga Health Professionals kasama sina Health Secretary Francisco Duque III at DILG Secretary Eduardo Año na hindi dapat bawasan ang isang metrong distansiya ng mga commuters sa loob ng mga pampublikong sasakyan para maiwasan ang pagkalat ng Covid-19.
Magugunitang September 14 ng ipatupad ang pagbabawas sa isang metro at ginawang point 75 meter na distansiya ng mga pasehero sa loob ng pampublikong transportasyon matapos pagtibayin ng Inter Agency Task Force o IAFT ang rekomendasyon nina Transportation Secretary Arthur Tugade at National Task Force Chief lmplementer Carlito Galvez.
Statement: Sec. Harry Roque:
“Matapos pong pag-aralan ni Presidente ang rekomendasyon ng parehong panig na dapat manatili na one-meter ang social distancing sa pampublikong transporatation at yung mga nagsasabi na pupwede naman itong pababain basta meron wearing of mask, face shield walang salitaan at walang kain at pag gamit ng mga sanitizing dun sa mga pambublikong transportasyon, nagdesisyon na po ang Presidente. Ang desisyon po ng Presidente, mananatili po ang one-meter social distancing sa pampublikong transportasyon na sasamahan din ng pagsuot ng facemask, face shield, bawal po ang salita at bawal po ang pagkain sa mga pampublikong transportasyon”.
Vic Somintac