Pangulong Duterte, posibleng mamagitan sa usapin ng Speakership sa Kamara – Malakanyang
Bagamat naninindigan si Pangulong Rodrigo Duterte na huwag makialam sa pagpili ng Speaker sa Mababang Kapulungan ng Kongreso maari itong magbago.
inabi ni Presidential Spokesman Salvador Panelo na kung personal na lumapit kay Pagulong Duterte ang mga aspirante sa Speakership race para maresolba ang problema maaaring tumulong ang Chief Executive.
Ayon kay Panelo ang pagtulong ng Pangulo para maresolba ang usapin ng Speakership ng Kamara ay hindi maituturing na panghihimasok sa lehislatura.
Inihayag ni Panelo na depende sa mga pangyayari para magbago ang posisyon ng Pangulo na huwag makialam sa pagpili ng House Speaker.
Niliwanag ni Panelo na kung si Pangulong Duterte ang masusunod ay maglabolabo na lamang sa labanan sa Spekarship sina Congressmen Martin Romualdez, Lourd Alan Velasco, Alan Peter Cayetano at Isidro Ungab.
Ulat ni Vic Somintac