Pangulong Duterte pumunta sa Pampanga para patunayang ligtas na si bird flu ang lalawigan

Personal na pumunta si Pangulong Rodrigo Duterte para opisyal na ideklarang libre na sa bird flu virus ang lalawigan ng Pampanga.

Pinuri ng Pangulo ang mga local official ng Pampanga maging ang Department of Agriculture sa masigasig na hakbang para makontrol ang bird flu virus na umatake sa mga poultry farm.

Ayon sa Pangulo sa paglulunsad ng Sama-Sama, Tulong-Tulong sa Pagbangon at Pagsulong program na ginanap sa Heroes Hall sa San Fernando Pampanga ay  mahalagang pagkakaroon  para ipakitang sapat ang supply ng pagkain at para masigurong matatag din ang kabuhayan ng bawat mamamayan.

Pinangunahan pa ng Pangulo ang isang boodle fight na ang inihanda ay itlog, manok, itik at pugo kasama si dating Pangulong Gloria Macapagal Arroyo ilang cabinet officials at mga local official ng Pampanga sa pangunguna ni Governor Lilia Pineda.

Ulat ni: Vic Somintac

 

Please follow and like us:

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *