Pangulong Duterte seryosong ipabasura ang kontrata ng Comelec at Smartmatic
Seryoso si Pangulong Rodrigo Duterte na ipabasura ang kontrata ng Commission on Elections (Comelec) at Smartmatic.
Sinabi ng Pangulo na mismong publiko na ang nagdududa sa integridad ng Smartmatic sa pangangasiwa ng Automated Elections sa bansa.
Ayon sa Pangulo ayaw niyang may bahid ng pagdududa ang resulta ng halalan.
Inihayag ng Pangulo ang boto ng bawat mamamayan ay sagrado dahil ito ang sumasalamin sa demokrasyang umiiral sa bansa.
Niliwanag ng Pangulo ang pagboto ay mismong boses ng sambayanan kung sino ang kanilang gusto na bigyan ng karapatan na mamuno sa pamahalaan.
Ang nakalipas na midterm election na pinangasiwaan ng Comelec gamit ang teknolohiya ng Smartmatic ay nabahiran ng pagdududa dahil sa mga aberyang naranasan sa mga vote counting machines.
Ulat ni Vic Somintac