Pangulong Duterte, tiniyak na uuwi ng Pilipinas si CPP-NPA Founding Chairman Jose Maria Sison
Tiniyak ni Pangulong Rodrigo Duterte na uuwi sa Pilipinas si Communist Party of the Philippines- New People’s Army o CPP-NPA founding chairman Jose Maria Sison sa buwan ng Agosto.
Sinabi ng Pangulo na nagkausap na sila ni Sison hinggil sa kanyang pagbabalikbayan para isulong ang peace process.
Ayon sa Pangulo sasagutin niya ang gastos ni Sison.
Inihayag ng Pangulo na maging ang seguridad ni Sison ay sagot ng gobyerno.
Nauna ng sinabi ng Pangulo na kung walang mangyayari sa peace process sa paguwi ni Sison muli siyang makakalabas ng bansa.
Samantala may report naman na hindi uuwi si Sison sa Pilipinas matapos kanselahin ng Pangulo ang pagpapatupad ng Peacetalks sa July 28.
Magugunitang iginigiit ng Pangulo na dito na sa Pilipinas isagawa ang peace talk sa mga rebeldeng komunista.
Ulat ni Vic Somintac