Pangulong Duterte, tiwala sa kakayanan ng FDA sa pagpili ng anti-Covid-19 vaccine na bibilhin ng Pilipinas
Malaki ang tiwala ni Pangulong Rodrigo Duterte kay Food and Drug Administration o FDA Director General Dr. Eric Domingo para bigyan ng kaukulang pahintulot ang anti-COVID 19 vaccine na bibilhin ng Pilipinas.
Sinabi ni Presidential Spokesman Secretary Harry Roque na integridad ng FDA kasama ang Panel of Expert ang batayan ng Malakanyang para maging kampante ang gobyerno na ipagpapauna ang kaligtasan ng sambayanan sa pagpili ng bakunang gagamitin laban sa COVID 19.
Ayon kay Roque titiyakin ng pamahalaan na hindi mapupunta sa korapsyon ang inilaang pondo ng gobyerno na nagkakahalaga ng 73.5 bilyong piso upang mabili ang bakuna na gagamitin sa 60 milyong mga Pinoy.
Inihayag ni Roque nailatag na ni Vaccine Czar Secretary Carlito Galvez ang master plan sa vaccination program ng pamahlaan mula sa pag-aangkat hanggang sa distribusyon ng anti COVID-19 vaccine.
Vic Somintac