Pangulong Duterte, tuloy ang biyahe sa Bali, Indonesia…tulong sa mga biktima ng lindol at tsunami, personal na iaabot sa Indonesian government

Kinumpirma ng Department of Foriegn Affairs o DFA ang nakatakdang biyahe papuntang Indonesia ni Pangulong Rodrigo Duterte sa darating huwebes Oktubre 11.

Ayon kay DFA Assistant Secretary for Association of Southeast Asian Nations Affairs Junever Mahilum-West lalahukan ng punong ehekutibo ang Asean Leaders gathering na isasagawa sa Bali Indonesia.

Ang pagdalo ni Pangulong Duterte ay para paunlakan ang imbitasyon ni Indonesian President Joko Widodo.

Kabilang sa mga agenda na tatalakayin ng mga lider mula sa Asean Countries ay ang pagpapalakas ng kooperasyon para masiguro ang paglago ng ekonomiya sa rehiyon at ang suporta ng Asean sa international monetary fund.

Kukunin din umano ang pagkakataong ito para personal na ipaabot ni Pangulong Duterte kay President Widodo ang tulong ng Pilipinas sa mga nasalanta ng malakas na lindol at tsunami sa ilang lugar ng Indonesia.

Idadaan ang ayuda ng bansa sa pamamagitan ng One Asean, One response program bilang bahagi ng disaster assistance.

Magtatagal lamang ng isang araw ang biyahe ng Pangulo at agad din babalik ng bansa pagkatapos ng pagtitipon.

 

Ulat ni Vic Somintac

Please follow and like us:

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *