Pangulong Duterte, umaasa sa magandang resulta ng gagawing plebisito hinggil sa BOL na nakatakda sa  darating na Enero 20

Naniniwala si Pangulong Rodrigo Duterte na maganda ang kalalabasan ng nakatakdang plebisito para sa Bangsamoro Organic Law o BOL.

Ito’y sa gitna ng hindi pagpabor ng ilang mga siyudad gaya ng Cotabato na mapabilang sa Bangsamoro Autonomous Region in Muslim Mindanao habang lumulutang na rin ang anggulo na posibleng may kaugnayan ang nangyaring bomb attack kamakailan sa lunsod ng Cotabato sa pagtutol nitong mapabilang sa BARMM.

Ayon kay Pangulong Duterte, umaasa at patuloy siyang nananalangin na mananaig ang kagustuhan ng mas nakararami lalo’t ang layunin aniya ng BOL ay ang makamit ang pangmatagalang kapayapaan sa Mindanao. Sinabi ng Pangulo kung hindi lulusot sa plebisito ang BOL,

Tiyak na mahihirapan nang maabot ang inaasam-asam na kapayapaan sa Mindanao.

Sa darating na Enero 21 itinakda ang plebisito na dito’y malalaman ang magiging komposisyon ng BARMM.

Saklaw ng gaganaping plebisito ang mga lunsod ng Cotabato at Isabela Basilan anim na bayan ng Lanao del Norte, at 39 barangays sa North Cotabato.

Quote of Pres. Duterte:

 “I hope and I pray that something good will come out of the BOL. Though the plebiscite is forthcoming, we have every reason to believe that it would pass the people’s will at sana magkaroon tayo ng kapayapaan because if not mahirapan tayo nito. The last three years of my term maybe just to — well dedicate to address violence”.

 

Ulat ni Vic Somintac

Please follow and like us:

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *