Pangulong Duterte, umalis na patungong India….Executive secretary Salvador Medialdea, itinalagang OIC sa Malakanyang
Magsisilbing Officer-in-Charge si Executive Secretary Salvador Medialdea habang wala sa bansa si Pangulong Rodrigo Duterte upang dumalo sa India-ASEAN Special Summit.
Sa inilabas na Special Order No. 64 ng Palasyo, inaatasan ng Pangulo si Medialdea na siyang mangasiwa sa araw-araw na operasyon ng Office of the President.
Nilagdaan ang Special Order ni Pangulong Duterte bago umalis patungong New Dehli sa India.
Sa kanyang departure speech Ninoy Aquino Terminal 2 sinabi ng Pangulo na mahalaga ang kanyang misyon sa India dahil may kaugnayan ito sa seguridad at ekonomiya ng bansa.
Babalik ng bansa ang Chief Executive sa araw ng Sabado pagkatapos ng dalawang araw na Special Summit.
Kasama ng Pangulo sa delegasyon sina DFA Secretary Alan Peter Cayetano, Defense Chief Delfin Lorenzana, DTI Secretary Ramon Lopez, National Security Adviser Hermogenes Esperon Jr, PCOO Secretary Matin Andanar, Special Assitsnt to the Presodent Bong Go, Presidential Spokesperon Harry Roque, Chief Legal Counsel Salvador Panelo at PNP Chief Gen Ronald dela Rosa.
Ulat ni Vic Somintac
=== end ===