Pangulong Duterte umapelang huwag katakutan ang Martial Law extension sa Mindanao
Hindi dapat na matakot sa pagpapalawig ng Martial Law sa Mindanao.
Sinabi ng Pangulo kung walang atraso sa batas hindi dapat na matakot sa pagpapatuloy ng Martial Law sa Mindanao.
Ayon sa Pangulo ang tanging target ng Martial Law ay mga terorista lamang naghahasik ng karahasan sa Marawi City.
Inihayag ng Pangulo na kailangan niyang palawigin ang Martial Law sa Mindanao dahil hanggang ngayon ay hindi pa tuluyang nababawi ang Lungsod ng Marawi sa kamay ng mga teroristang Maute.
Niliwanag ng Pangulo na pabor ang Martial Law sa mga taong sumusunod sa batas para sa kanilang kaligtasan laban sa karahasang inihahasik ng mga terorista.
Ulat ni: Vic Somintac