Pangulong Duterte wala pang nakikitang mabigat na dahilan para mag-indorso ng presidential candidate sa Mayo – Malakanyang
Niliwanag ng Malakanyang na wala pang nakikitang compelling reason upang mag- indorso si Pangulong Rodrigo Duterte ng kanyang manok sa pagka-pangulo para sa halalan sa Mayo.
Sinabi ni Acting Deputy Presidential Spokesman Undersecretary Kris Ablan na hindi nagbabago hanggang ngayon ang posisyon ni Pangulong Duterte na manatiling neutral sa mga presidential aspirant na papalit sa kanya sa puwesto.
Ito’y sa kabila na ang ruling party PDP Laban kung saan tumatayong Chairman ang Pangulo ay inindorso na ang kandidatura ni dating Senador Bong Bong Marcos bilang pambato sa pagka-pangulo at si Davao City Mayor Sara Duterte bilang Pangalawang Pangulo.
Batay din sa kumpirmasyon ng Malakanyang pinayuhan pa ng Pangulo si Marcos sa kanilang one on one meeting kung ano ang magiging trabaho ng Presidente ng bansa.
Pinangunahan ng Pangulo ang proclamation rally ng ruling party PDP Laban sa Cebu at inindorso ang mga senatoriable subalit walang inindorsong presidentiable ang Chief Executive.
Vic Somintac