Pangulong Duterte wala umanong magagawa kundi i-veto ang Pork Barrel sa 2019 budget
Wala umanong magagawa si Pangulong Rodrigo Duterte kundi i veto ang ginawang re-alignment ng Kamara sa 2019 National Budget.
Sa kapihan sa Senado sinabi ni Senate Minority leader Franklin Drilon na nakapaloob kasi sa isinumiteng sulat ng senado na ang nangyaring re-alignment ay hindi valid at labag sa batas.
Tinukoy nito ang 75 billion pesos na pondo ng Department of Public Works and Highways (DPWH) na inilipat ng mga Kongresista sa kanilang mga distrito.
Pero kung hindi ibi-veto wala naman aniyang magiging liability ang Pangulo at malabong makasuhan ng impeachment.
Ngunit hindi aniya mapipigilan ang sinuman na dumulog sa Korte Suprema para kwestyunin ang naging hakbang ng Kamara.
Senador Drilon:
“President Duterte would have no liability if he does not veto the 75 billion pesos, not an impeachable offense the release of the 75 billion can be questioned in courts”.
Ulat ni Meanne Corvera