Pangulong Duterte walang planong palawigin ang termino sa ilalim ng federal government ayon sa Malacañang
Tiniyak ng Malakanyang na walang balak si Pangulong Rodrigo Duterte na palawigin ng kahit isang segundo ang kanyang termino.
Sinabi ni Presidential Spokesman Harry Roque na pagsapit ng alas dose ng tanghali ng June 30, 2022 ay baba na sa puwesto si Pangulong Duterte.
Ayon kay Roque malinaw at paulit-ulit na sinasabi ng pangulo na wala siyang interes na palawigin ang kanyang termino.
Ginawa ng Malakanyang ang pahayag dahil nakapaloob sa probisyon ng ipinapanukalang federal constitution na binalangkas ng consultative committee na ang mga halal na opisyal na magpapaso ang termino sa 2022 ay maaaring makatakbo sa halalan sa ilalim ng federal government.
Batay sa panukalang federal constitution ang pangulo ay binibigyan ng apat na taong termino at maaaring makatakbo ng re-election taliwas sa probisyon ng 1987 constitution na ang pangulo ay may anim na taong termino subalit walang re-election.
On the proposed federal constitution that will allow PRRD to stay in Malacañang until 2030:
“Preaident Rodrigo Roa Duterte has repeatedly said: not a second beyond his term in 2022.”
“He has said what he said: not a second longer.”
Ulat ni Vic Somintac