Pangulong Duterte walang sakit kundi napagod lang kaya walang public engagement ayon sa Malakanyang
Tiniyak Malakanyang na walang iniindang matinding karamdaman si Pangulong Rodrigo Duterte.
Ito ang ginawang paglilinaw ng Malakanyang dahil sa kabiguan ng Pangulo na siputin ang flag raising ceremony sa Luneta Park kaugnay ng pagdiriwang ng araw ng kalayaan at hanggang ngayon ay wala pa ring official schedule ang Chief Executive.
Sinabi ni Presidential Spokesman Ernesto Abella na dapat unawain ang kalagayan ng Pangulo dahil sa ginawa niyang pag-intindi sa mga sugatang sundalo at pagdalaw sa mismong burol ng mga namatay na sundalo sa Marawi City siege napagod ito ng husto.
Ayon kay Abella maging ang kanyang personal na doctor ay walang sinasabing sakit ang Pangulo kundi ang kailangan lamang ay pahinga.
Inihayag ni Abella on top of the situation ang Pangulo sa lahat ng kaganapan sa bansa lalo ang ang patuloy na military operations laban sa teroristang Maute group sa Marawi City.
Ulat ni: Vic Somintac