Pangulong Duterte,may babala sa mga manggugulo sa halalan sa Mayo
Nangako si Pangulong Rodrigo Duterte sa publiko ng malinis at payapang halalan sa Mayo.
Sinabi ng Pangulo na hangad niyang maisalin ang poder ng pamahalaan ng maayos sa mananalong bagong presidente ng bansa.
Ginawa ng Pangulo ang pahayag sa gitna ng mga lumutang na ulat na posibleng magkagulo kapag nanalo si dating Senador Bongbong Marcos sa halalang pampanguluhan dahil hindi umano ito matatanggap ng grupo ni Vice President Leni Robredo,batay sa lumitaw na impormasyon sa press conference ng mga presidentiable na sina Senador Panfilo Lacson, Manila Mayor Isko Moreno at dating National Security Adviser Secretary Norberto Gozales.
Inihayag ng Pangulo nakahanda ang Philippine National Police o PNP at Armed Forces of the Philippines o AFP para bantayan ang gaganaping halalan sa bansa upang mapanatili ang kaayusan at kapayapaan hanggang maiproklama ang mga mananalong bagong mamumuno sa pamahalaan.
Ayon sa Pangulo hindi niya papayagan na makaporma ang anumang uri ng terorismo sa gaganaping halalan sa bansa.
Vic Somintac