Pangulong Duterte,seryosong ikinukonsidera ang pagtakbo sa VP race

Seryosong ikinukunsidera ni Pangulong Rodrigo Duterte ang pagtakbo sa Vice presidential race sa May 2022 elections.

Sa kaniyang pakikipagpulong sa mga kapartido sa PDP laban inulit ng Pangulo ang pahayag na masusi niyang pinag- isipan ang kaniyang magiging pasya.

Pero ang kaniya raw dilema ay kung hindi niya kasundo ng sinumang mahahalal na susunod na Pangulo.

Inamin ng Pangulo na magiging inutil at lame duck lamang siya kung hindi niya kaibigan ang sinumang maluluklok na Pangulo.

Hindi rin daw siya mangangako ng pabahay sa halip ay tutugunan lang ang pangangailangan ng mga kababayan.

Kung hindi kasi aniya kapartido tiyak na wala siyang aasahang suporta sa sinumang mauupong Pangulo .

Meanne Corvera

Please follow and like us: