Pangulong Ferdinand Marcos Jr. binigyan ng Liderato ng Kamara ng mataas na marka sa unang 100 araw ng panunungkulan sa Malakanyang
Maganda ang tinutungo ng pamamahala sa gobyerno ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. sa unang isang daang araw ng panunungkulan bilang Presidente ng bansa.
Ito ang inihayag ni House Speaker Martin Romualdez sa isang ambush interview sa Mababang Kapulungan ng Kongreso.
Partikular na tinukoy ni Romualdez ang ginawang paghahanda ng Marcos Jr. administration sa 2023 proposed national budget na nagkakahalaga ng 5.268 trillion pesos.
Sinabi ni Romualdez ang unang national budget ng Marcos Jr. administration ay tumutugon sa pangangailangan ng bansa para makabangon sa epekto ng pandemya ng COVID- 19 sa pamamagitan ng 8- point economic agenda.
Ayon kay Romualdez suportado ng kamara ang fiscal framework ni Pangulong Marcos Jr. kaya lahat ng economic priority bills na kanyang hinihingi ay ipapasa ng Mababang Kapulungan ng Kongreso.
Ipinagmalaki ni Romualdez na pinagtibay na ng Mababang Kapulungan ng Kongreso ang 2023 Proposed National at ang bola ay nasa Senado na.
Pinuri din ni Romualdez ang magkakasunod na state at working visit ni Pangulong Marcos Jr. sa Indonesia, Singapore at Amerika na nakapagsara ng multi bilyong pisong foreign investment para sa bansa.
Vic Somintac