Pangulong Ferdinand Marcos Jr. nangako ng buong suporta sa NKTI
Tiniyak ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. ang buong suporta sa National Kidney and Transplant Institute sa gitna na rin ng tumataas na mga kaso ng sakit na may kaugnayan sa kidney.
Ginawa ni PBBM ang pahayag kasabay ng personal na pagdalo sa ika-40 anibersaryo ng NKTI.
Pinuri naman ng Pangulo ang mga naging tagumpay ng NKTI sa pagbibigay ng de-kalidad na serbisyo mula nang maitayo ito noong 1983.
Ang NKTI ay itinatag noong panahon ni dating Pangulong Ferdinand Marcos Sr.
Kabilang sa mga serbisyong ibinibigay ng NKTI ay kidney transplants, dialysis, at treatment sessions.
Giit ng Pangulo, mahalaga ang accessible at cost-effective na mga serbisyong ito para mas mapababa ang kaso ng pagkamatay na dahil sa kidney disease at kidney failure.
Madelyn Villar -Moratillo