Pangulong Marcos Jr. nagpasalamat sa mga OFW na nasa US
Umabot ng 34.88 billion dollars ang dollar remittance na tinanggap ng Pilipinas nitong nakalipas na taon mula sa mga pinoy na nasa Estados unidos.
Ayon kay Pangulong Bongbong Marcos , tumaas ng 5.1 percent ang itinaas mula sa 33.19 billion noong 2020 at nasa 4o percent ng remittance noong 2021 ay mula sa Estados unidos.
Dahil dito , malaki aniya ang naitulong nito sa ekonomiya ng Pilipinas.
Kung kaya dapat na ipagmalaki ang mga overseas filipino worker , lalo na nga at sa harap pa ito ng COVID-19 pandemic .
Nagpasamat ang Pangulo sa OFW doon dahil sa ginagawa ng mga ito para pagandahin ang imahe ng Pilipino sa Amerika at sa buong mundo.
Katunayan aniya na hindi nawawala ang init ng pagmamahal sa bansa.
Ipinapakita at ipinadadama din aniya ng mga pinoy ang kanilang malasakit, aruga at kalinga.