Pangulong Rodrigo Duterte, hindi dumalo sa inagurasyon ni PBBM
Uuwi na sa Davao city si Pangulong Rodrigo Duterte matapos lisanin ang Malacañang.
Ito ang kinumpirma ni dating National Security Adviser Hermogenes Esperon kasabay nang pagsasabing hindi sasakyan ng gobyerno ang ginamit ni Duterte pabalik ng Davao city kundi isang commercial flight.
Pero bago umuwi sa Davao ay dumaan si Pangulong Duterte sa isang mall sa Makati city .
Samantala Bago naman ang tradisyonal na send-off ceremony para kay Duterte, tinanggap muna niya si Pangulong Ferdinand “Bongbong” Marcos, Jr. sa Palasyo kung saan sandali silang nag-usap na sinundan nang pagtungo ni Marcos sa National Museum para manumpa ay pag-alis naman ng dating pangulo sa Malacañang.
Sa video na ibinahagi ni dating Presidential Communications Operations Office (PCOO) Secretary Martin Andanar kinunan nito ng mensahe si Duterte para sa mga mamamayan.
Sinabi ni Duterte na dapat suportahan at tulungan ang bagong administrasyon.
Masaya ring nagpasalamat si Pangulong Duterte sa kanyang naging gabinete sa anim na taong paglilingkod sa mga kababayan nating Pilipino.