Pangulong Rodrigo Duterte, nakabantay sa patuloy na pag-aalburuto ng Mt. Mayon
Tiniyak ng National Disaster Risk Reduction and Management Council o NDRRMC na updated ang Pangulong Rodrigo Duterte sa sitwasyon ng mga residenteng apketado ng pag-aalburuto ng bulkang Mayon.
Ayon kay NDRRMC Spokesperson Romina Marasigan, madalas ngayon ang direktang ugnayan ng Pangulo at ni NDRRMC Executive Director Usec. Ricardo Jalad.
Tinitiyak aniya ni Jalad sa Presidente na laging nakaalerto ang iba’t ibang ahensya ng gobyerno para tumugon sa anumang pangangailangan ng mga residente sa Albay.
Araw-araw rin aniyang nagpapasa ng presidential briefer sa Malacañang ang NDRRMC tungkol sa mga sitwasyong binabantayan nila ngayon.