Pangunahing conservation official ng Thailand, arestado sa corruption charges
Isang top Thai conservation official ang inaresto dahil sa corruption charges, kung saan sinabi ng pulisya na siya ay nahuling tumatanggap ng lagay at ang $144,000 halaga ng cash ay natagpuan sa kaniyang opisina.
Si Rutchada Suriyakul na Ayutya, director-general ng Department of National Parks, Wildlife and Plant Conservation, ay na-appoint noong Pebrero.
Pinamahalaan niya ang pagbibigay proteksiyon sa kapaligiran ng kaharian at endangered animals, at pinangasiwaan ang higit sa 150 national parks.
Sinabi ni Jarronkiat Pankaew, hepe ng Anti-Corruption Division, “The officials have arrested him while the money was exchanged, so the evidence was quite clear.”
Ayon kay Jaroonkiat, hinalughog ng mga pulis ang tanggapan ni Rutchada sa Bangkok, matapos siyang maiditini at nakita nila ang humigit-kumulang limang milyong ($144,000) halaga ng cash.
Itinanggi naman ni Rutchada ang lahat ng paratang.
Makikita sa mga larawang ibinahagi ng Thai police, ang mga salansan ng pera na may brown envelopes sa ilalim.
Ani Jaroonkiat, “Officials have collected 98,000 baht as evidence.”
Ayon sa pahayag ng National Anti-Corruption Commission (NACC), “Rutchada had ‘abused his power’ by receiving money from his inferiors, in exchange for maintaining their positions.”
Sa akusasyon ng NACC, ang mga nasasakupan ni Rutchada ay napilitang magbayad ng buwanang ikapu, bilang karagdagan sa isang one-off payment na hanggang 300,000 baht, kung hindi ay ililipat ang mga ito sa malalayong lugar sa kanilang bayan.
© Agence France-Presse