Panibagong CA Justices, RTC judges, at deputy ombudsman, itinalaga
Natanggap ng Korte Suprema ang panibagong batch ng appointments sa hudikatura at Office of the Ombudsman mula sa Palasyo.
Sa magkakahiwalay na appointment letters mula sa Malacañang, nagtalaga si Pangulong Rodrigo Duterte ng dalawang karagdagang mahistrado ng Court of Appeals.
Ang mga ito ay sina Davao City RTC Judge Ronald Suva Tolentino at private law practitioner Rogelio Gilzano Largo.
Nag-appoint din ang pangulo ng 30 pang bagong hukom sa mga regional trial courts sa Mindanao.
Ang mga judge ay inilagay sa mga RTCs sa lalawigan ng Zamboanga Del Norte, Zamboanga Del Sur, Agusan Del Sur, Misamis Occidental, Misamis Oriental, Davao Del Norte, Davao Del Sur, Sarangani, South Cotabato, Basilan, Zamboanga Sibugay, Compostela Valley, Davao Oriental, at Surigao Del Sur.
Hinirang din ni Duterte si Assistant Ombudsman Jose Mercado Balmeo Jr. bilang bagong Deputy Ombudsman for the Military and Other Law Enforcement Offices (MOLEO) na may termino ng pitong taon.
Ang MOLEO ang humahawak sa mga reklamo laban sa mga pulis, sundalo, at iba pang alagad ng batas.
Moira Encina