Panibagong kaso ng Covid-19 sa bansa, bahagyang bumaba sa 5,790 ngayong Linggo
Nakapagtala ng panibagong 5,790 mga kaso ng Covid-19 ang Department of Health ngayong araw.
Mas mababa ito ng kaunti kumpara sa mga naitalang kaso kahapon na 6,739.
Ayon sa DOH, ang mababang bilang ng kaso ngayong araw ay dulot ng mababang testing output ng mga laboratoryo noong Biyernes (14 May 2021).
Dahil dito, pumalo na sa 1,143,963 ang kabuuang Covid-19 cases sa bansa.
Pero mula sa nasabing bilang, 54,904 lamang ang aktibong kaso o katumbas ng 4.8%.
Samantala, may mga bagong 7,541 na gumaling sa karamdaman kaya pumalo na sa 1,069,868 ang kabuuang recoveries sa bansa mula sa virus infection.
Mayroon ding naitalang bagong 140 na nasawi kaya umakyat na sa 19,191 ang death toll ng bansa sa Covid-19.