Panibagong Low Pressure Area, namataan malapit sa Eastern Visayas – PAGASA
Isa na namang Low Pressure Area ang namataan ng PAGASA sa bahagi ng Eastern Visayas.
Ayon sa PAGASA, huling namataan ang namumuong sama ng panahon sa layong 670 km Hilagang Silangan ng Borongan, Eastern Samar.
READ: Poultry farmers umaapela ng tulong sa DA dahil sa pagkalugi na umaabot na sa P179-M
Sa kasalukuyan, maliit pa ang posibilidad para ito maging bagong bagyo.
Gayunman, posible pa rin itong humatak at magpalakas sa pag-iral ng habagat.
Samantala, apektado naman ng hanging habagat ang Western section ng Luzon.
Asahan ang makulimlim na panahon at bahagyang pagbuhos ng ulan sa Metro Manila at mga karatig na lugar, ngayong maghapon.