Panibagong LPA, binabantayan ng Pag-Asa…inaasahang papasok sa bansa bukas

 

Panibagong Low pressure area o LPA ang binabantayan ngayon ng Pag-Asa DOST na nasa labas ng bansa.

Huling namataan ang LPA sa kayong 1,825 kilometro sa Silangan ng Mindanao.

Ayon sa Pag-Asa, maliit pa ang tsansa na ito ay maging isang ganap na bagyp pero kung ito ay lalakas at magiging tropical depression habang nasa loob ng PAR, tatawagin itong Caloy.

Inaasahang papasok sa bansa ang nasabing sama ng panahon bukas ng umaga.

Habang papalapit sa kalupaan ng Pilipinas, maka-aapekto na ang LPA sa Eastern Visayas o Eastern Mindanao bukas ng gabi o Sabado ng umaga.

 

============

 

 

Please follow and like us:

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *