Panibagong Oil Price Hike, nakaamba na naman sa Martes
Nakatakda na namang magpatupad ng panibagong dagdag singil sa mga produktong petrolyo.
Posibleng ipatupad ang dagdag na mahigit ₱1.00 kada-litro ng gasolina sa Martes ng umaga.
Batay sa ulat ng Department of Energy naglalaro sa ₱1.09 ang taas sa presyo sa kada litro ng Gasoline, ₱0.85 sentimos hanggang ₱0.90 sentimos naman ang dagdag sa kada-litro ng Diesel at Kerosene.
Ito na ang pangatlong taas-presyo ng mga kumpanya ng langis.
Katwiran ng oil companies, ang sunod-sunod na pagtaas ng presyo ng produktong petrolyo ay bunsod ng hindi maawat na pagtaas ng presyo ng bilihan sa world market.
Sa ngayon, wala pang inilalabas na anunsiyo ang mga kumpanya ng langis kung kailan ipatutupad ang panibagong oil price hike.