Panibagong pagsabog sa Zamboanga, wala umanong kinalaman sa Jolo bombing…..militar, umapila sa publko na tumulong sa mga otoridad

Pinakalma ng militar ang publiko sa pinangangambahang posibleng mangyari rin sa iba pang panig ng bansa ang naging pagsabog sa Jolo, Sulu at Zamboanga.

Sa isang panayam sa Senado, tiniyak ni Armed Forces of the Philippines (AFP) Chief of Staff Lt. General Benjamin Madrigal na hindi konektado sa Sulu bombing ang panibagong pagsabog sa Zamboanga city.

Wala aniya silang nakikitang koneksyon sa magkasunod na pambobomba kahit pa sa isyu umano ng retaliatory attacks o religious war.

Sinabi ni Madrigal nagpapatuloy pa ang kanilang imbestigasyon sa isyu kaya hindi rin masabi kung  ang nagyari ay suicide bombing.

Hindi pa aniya sila makabigay ng konkretong report dahil merong unclaimed body parts na hindi matukoy kung sa biktima o mga suspek.

Umapila naman ang militar sa publiko na maging vigilant at agad ireport sa mga otoridad ang anumang mga kahina hinalang aksyon para mapigilan ang katulad na insidente.

 

Ulat ni Meanne Corvera

Please follow and like us:

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *