Panibagong Petition for Disqualification laban sa kandidatura ni BBM, inihain sa Comelec
May panibagong petisyon na naman na inihain sa Commission on Elections na layong ipa-diskwalipika ang kandidatura ni Presidential Aspirant Bongbong Marcos.
Ang petisyon inihain ng Akbayan Aksyon Citizens Party, dating Commission on Human Rights Chair Loretta Rosales at iba pang indibidwal.
Ito na ang ika-pitong petisyon na inihain sa Comelec na layong maharang ang kandidatura sa pagka-Presidente ni BBM.
Sa kanilang petisyon, iginigiit nila na dapat ay habang buhay ng hindi makatakbo sa halalan si Marcos dahil sa naging conviction rito sa Tax Evasion noong 1995.
Ang Tax Evasion ay kabilang umano sa krimen na sangkot ang moral turpitude.
Madz Moratillo