Panibagong protesta laban sa China dahil sa pagdaan ng Chinese fishing vessel sa territorial waters ihahain na ng Pilipinas
Muling maghahain ng Diplomatic protest ang Pilipinas laban sa China matapos muling mamataan ang ilang chinese fishing vessel sa teritoryong sakop ng Pilipinas.
Ito ang kinumpirma ni Foreign affairs secretary Teddy Locsin sa pagharap nito sa imbestigasyo ng Senado kanina.
Sinabi ni Locsin na ang reklamo ang batay na rin sa mga pahayag ni Defense secretary Delfin Lorenzana.
Nauna nang sinabi ni Western Mindanao Command Chief Lt. General Cirilito Sobejana na tatlong beses nang dumaan ang mga Chinese warship sa Sibutu straight nang hindi nagpaalam sa mga otoridad ng Pilipinas at itinago pa ang kanilang mga identification system.
Tiniyak ni Locsin sa mga Senador na ang hakbang ay ginagawa ng DFA para ipakita na hindi pumapayag ang pilipinas sa anumang uri ng pambu-bully ng China at paggiit sa karapatan sa teritoryong ag-aari ng Pilipinas.
Ulat ni Meanne Corvera