Panibagong taas-presyo sa mga produktong petrolyo, asahan sa mga susunod na araw
Panibagong dagdag presyo sa mga produktong petrolyo ang muling papasanin ng mga motorista sa mga susunod na araw.
Batay sa oil trading monitoring mula June 13 – 16, inaasahang nasa P2.00 hanggang P2.30 ang dagdag presyo sa kada litro ng diesel habang nasa P0.20 hanggang P0.50 naman ang itataas sa kada litro ng gasolina.
Ayon kay Director Rino Abad ng Department of Energy-Oil Industry Management Bureau, malaki ang epekto ng lockdown sa China sa panibagong oil price hike.
Maliban pa ito sa pag-ban ng European Union sa oil imports ng Russia sanhi naman ng giyera sa pagitan ng Ukraine at Russia.
Karaniwang ipinatutupad ang price hike tuwing Martes.