Panibagong travel ban ni Trump, inalmahan ng isang federal judge
Tuloy pa rin na makakabiyahe at makakapasok sa Estados Unidos ang mamamayan ng anim na Muslim countries.
Itoy matapos harangin ng isang federal judge mula sa Hawaii ang panibagong travel ban ni US President Donald Trump, ilang oras bago ito ipatupad.
Nauna rito, sa bagong revised travel ban ni Trump ipinagbabawal na makabiyahe sa US sa loob ng 90 days ang mga residente mula sa Somalia, Yemen, Sudan, Syria, Iran at Libya ganoon din ang pagbawal na makapasok sa loob ng 120 days ng mga refugees.
Hindi nakasama sa bagong Executive Order sa banned countries ang Iraq.
Pero sa ruling na ibinaba ngayon ni US District Court Judge Derrick Watson, depektibo aniya ang travel ban ni Trump.
Hindi dapat gawing katwiran ng Trump government na hindi naman tina-target sa travel ban ang mamamayan ng Islam countries.