Paninigarilyo, pangunahing sanhi pa rin ng kamatayan ng tao sa buong daigdig ayon sa WHO, National No Smoking Month, ginugunita sa buwang ito, ayon DOH

Batay sa Presidential Proclamation No. 183, Series of 1993, ipinagdiriwang sa buong bansa ang National No Smoking Month.

Pagpapatuloy ito ng pagpapalakas ng kampanya laban sa paninigarilyo.

Magugunita ma noon lamang Mayo a 31, ay ginunita ang World No Tobacco Day.

Ayon sa health advocates, mahalaga na nagpapatuloy ang awareness o kamulatan ng tao tungkol sa hindi magandang epekto ng paninigarilyo at panganib na dulot nito sa kalusugan ng tao.

Ayon sa World Health Organization o WHO nananatili pa ring pangunahing sanhi ng kamatayan sa buong mundo ang paninigarilyo.

Nasa limang milyong tao sa buong daigdig ang namamatay taon taon sa mga sakit na ang sanhi ay paninigarilyo.

Sa Pilipinas, ibat’ibang grupo ng health advocates ang patuloy na nagsasagawa ng mga hakbangin at mga programa  upang mapataas pang lalo ang kamulatan o awareness ng publiko para mabawasan ang mga taong namamatay dahil sa mga sakit na dulot ng paninigarilyo.

 Ulat ni: Anabelle Surara

 

 

Please follow and like us:

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *