Paninindigan ng gobyerno na huwag suspindihin ang excise tax, Ipinarerekonsidera ng isang Senador
Ipinarerekonsidera ng mga Senador sa Malacañang ang desisyon nitong huwag nang suspindihin ang ipinapataw na excise tax sa mga produktong petrolyo sa halip ay magbibigay ng 200 pisong ayuda.
Para kay Senador Aquilino Koko Pimentel, ang suspensyon ng excise tax ang pinakamainam na tugon ngayong mataas ang presyo ng krudo.
Iginiit naman ni Senador Grace Poe na pansamantala lang naman ang gagawin ng gobyerno.
Iminungkahi na kung hindi kakayanin dapat bawasan kahti 50 percent ang buwis habang hindi pa naaayos ang sigalot sa Russia at Ukraine.
Ayon sa mga Senador matindi na ang naging impact ng oil price increase lalo na sa presyo ng mga pagkain.
Hindi naman pabor ang mga mambabatas sa 200 pesos na ipapamahaging ayuda sa pinakamahihirap na pamilya.
Ayon kay Poe masyadong maliit ang mahigit anim na piso kada araw na hindi pa sasapat kahit pamasahe sa jeep.
Meanne Corvera